Itinakda na sa araw ng Martes ang pagbisita ng NBA champions na Milwaukee Bucks sa White House matapos na imbitahan ni US President Joe Biden.
Nakatakdang bigyang pugay ang Bucks sa isang simpleng seremonyas bilang world champions.
Huling bumisita ang isang NBA team sa White House ay noon pang taong 2016.
Natigil ang tradisyon sa pag-imbita ng presidente ng Amerika sa NBA champion ni dating US President Donald Trump na umabot pa sa iringan niya sa ilang mga players.
Sa darating naman na Lunes ay haharapin muna ng Milwaukee ang Washington Wizards bago tumungo ng White House kinabukasan.
Samantala sa naging laro naman kanina, pinahiya ng New York Knicks ang Bucks nang ilampaso sa score na 113-98.
Umabot pa sa 21 puntos ang naging kalamangan noong una ng Milwaukee pero sa huli ay nahabol ito.
Ito na ang ika-limang panalo ng NBA defending champion, habang sa panig ng New York, ito na ang kanilang ika-anim na panalo.