-- Advertisements --

Nilinaw ni US President Joe Biden na walang kinalaman ang US at North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa pag-aaklas ng Wagner group mercenaries sa Russia.

Sinabi nito na tinawagan niya ang ilang mga kaalyadong bansa ilang oras matapos ang insidente sa Russia.

Nagkasundo ang mga lider ng bansa na bigyan agad nila ng linaw na hindi sila sangkot sa nasabing kaguluhan.

Iginiit pa ni Biden na hindi pinapakialaman ng US ang anumang nagaganap sa gobyerno ng ibang bansa.