-- Advertisements --

Kapwa nanawagan ang US at Ukraine sa mga bansa na pigilan ang Russia sa patuloy na pananakop nito.

Ito ang magkaparehong laman ng talumpati sa United Nations General Assembly sa New York nina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi ng US President na dapat maging matatag ang mga lider ng bansa sa pagsuporta sa Ukraine at tuluyang labanan ang panghihimasok ng Russia.

Sa pagtayo naman ni Zelensky sa plenary hall ng United Nations, inakusahan nito ang Russia na ginagamit nito ang global food supply sa paglaban niya sa Ukraine.

Mararapat na mapigil na ang ginagawan genocide ng Rusisa kung saan maraming mga bata na ang nasawi.

Ito ang ung pagkakataon na dumalo ng personal ang Ukrainian President sa nasabing pagtitipon.

Kapwa nagpulong naman sina Biden at Zelensky kung saan matetandaan na ilang bilyong dolyar na ang naitulong ng US mula ng sakupin sila ng Russia.