-- Advertisements --

Naging mabunga ang ginawang pag-uusap sa telepono nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.

Ito ang unang pagkakataon na nagkausap muli ang dalawang lider mula sa makasaysayang personal na pagkikita sa isang summit noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Layon aniya ng nasabing pag-uusap ay para mapalamig ang tensiyon sa tinaguriang superpowers na bansa.

Ayon sa White House na ilan sa mga natalakay nila ay ang patuloy na kaguluhan sa Gaza at Ukraine ganun din ang nuclear capabilities ng North Korea.

Hindi rin naiwan na pinag-usapan ng dalawa ang paggigipit ng China sa Taiwan at sa West Philippine Sea issues ganun din ang mga nagaganap na human rights abuse sa China.

Itinuturing ng White House na ang isang oras at 45 na minuto na pag-uusap ng dalawa ay candid at constructive para mapaganda pa lalo ang relasyon ng dalawang bansa.