-- Advertisements --

Mahigpit pa rin ang koordinasyon nina US President Joe Biden at United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa patuloy na isinasagawang paglilikas ng kanilang mga mamamayan sa Afghanistan.

Ayon sa White House sa pinakahuling pag-uusap ng dalawang lider ay natalakay ang ginagawang paglilikas ng mga military at diplomatic members sa kanilang mamamayan.

Kabilang din na ililikas ay ang mga Afghans na naiipit sa kaguluhan.

Napag-usapan din nila ang gagawing G7 virtual leaders’ meeting.

Magugunitang nasa 16,000 na mga Americans na ang nailikas ng US military mula sa Afghanistan.