-- Advertisements --
Sumailalim sa skin cancer surgery si dating US President Joe Biden.
Ayon sa kaniyang tagapagsalita, na sumailalim sa Mohs surgery ang dating pangulo subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.
Ang nasabing proseso ay tatanggalin ang balat hanggang wala ng ebidensiya ng cancer ang matitira.
Sa mga nagdaang araw kasi ay nakita ang tila sugat sa kanang bahagi ng ulo ng 82-anyos na dating pangulo.
Magugunitang noong 2023 ng tinanggal ang cancerous skin lession sa kaniyang dibdib ang pangulo na isinabay sa health screening.
Habang nitong Mayo ay na-diagnosed ang dating pangulo ng agressive form ng prostate cancer na kumalat sa kaniyang buto.