-- Advertisements --

Nagbigay ng katiiyakan ang 26 na mga bansa na magpakalat ng mga sundalo sa Ukraine kapag nagkaroon na ng cesefire deal sa pagitan nila ng Russia.

Ito ang naging katugunan ng mga European countries na dumalo sa “Coalition of the Willing” summit sa France.

Ayon kay French President Emmanuel Macron, na agad silang magpapadala ng mga puwersa para hindi ulitin pa ng Russia ang ginawa nitong pag-atake na nagsimula noong 2022.

Nakausap rin nito si US President Donald Trump kung saan handa rin umanong magpadala ng mga sundalo ang US.

Hinikayat din ni Trump ang mga European Union na dapat ay hindi na sila bibili ng mga krudo mula sa Russia.

Magugunitang nagkaroon ng personal na pag-uusap sina Trump at Russian President Vladimir Putin ganun din kay Ukraine President Volodymyr Zelensky para isulong ang pagtatapos na ng giyera ng dalawang bansa.