Kinansela ng Deparment of Education (DepEd) ang bidding para sa mahigit P4-milyong pondo na nakalaan para sa pagbili ng Christmas ham at cheese para sa Christmas celebration ng Central Office.
Una rito, batay sa dokumentong ipinost noong Nobyembre 12, nag-imbita ng interesadong bidders ang DepEd para sa P4.278-milyong halaga ng hamon at keso, o P2.9-milyon para sa 4,260 piraso ng ham, at P1.2-milyong piraso ng keso.
Pero sa ngayon, inalis na sa website ng ahensya ang invitation to bid.
“The call for bidding has been cancelled,” mensahe ni June Arvin Gudoy, director ng DepEd public service affairs, sa mga reporters.
“It was regular procurement but it is inappropriate at this time when our employees are severely affected by recent disasters,” dagdag nito.
Paliwanag ng DepEd, inilipat ang pondo para sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng mga bagyong Rolly at Ulysses, maging ang nagpapatuloy aniya na COVID-19 efforts para sa kanilang mga empleyado.
“Other regional and division offices not affected by the typhoons have also pitched in to help our teachers and learners on the ground,” saad ni Gudoy.
“After Bicol, our Undersecretaries for Field Operations and Administration will also visit our schools in Cagayan soonest to check the needs of our schools. The welfare of our teachers and learners remains to be our priority and more so at this time,” anang opisyal.