Pinaigting ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa pamemeke ng mga travel documents kasabay ng babala ng mga awtoridad na mas nagiging sopistikado ang mga sindikatong sangkot sa human trafficking.
Sa inilabas na abiso ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), napagalaman na may mga biyahero umanong gumagamit ng pekeng CFO certificates, pekeng kontrata sa trabaho at mga pinekeng overseas work permit.
Ayon kay CFO Secretary Dante Ang II, kailangang maging alerto aniya ang publiko at makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong ahensya.
Nagbabala rin ang BI hinggil sa mga insidenteng may mga nagpapanggap na church missionaries pero napag-alamang nare-recruit para sa illegal na trabaho sa ibang bansa.
Bilang tugon, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na hinigpitan nila ang inspeksyon sa mga paliparan at seaports, kasabay ng pagpapaigting ng bagong sistema.
Magdadagdag rin ang BI ng personnel at biometric systems sa mga paliparan, at patuloy na makikipag-ugnayan sa CFO, Department of Foreign Affairs, at mga law enforcement agencies upang agad matukoy ang mga pekeng dokumento bago pa makalabas ng bansa ang mga pasahero.