Jaime Morente
BI Chief Jaime Morente

Iginiit ng MalacaƱang na hindi ligtas si Bureau of Immigration (BI) Chief Jaime Morente sa posibleng pagkakasibak matapos mabunyag ang “pastillas scheme” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una nang sinibak ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado ng Immigration na sangkot sa “pastillas scheme” kung saan pinapapasok ang mga illegal Chinese workers para magtrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit pa malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi ito makakalusot sa pananagutan kapag napatunayang may ginawang iligal.

Ayon kay Sec. Panelo, walang sinuman sa kanilang mga gabinete ang ligtas kapag may ginawang korupsyon o kaya hindi nagawa nang maayos ang kanilang trabaho.

Sa kabila naman ito ng naging pahayag kagabi ni Pangulong Duterte na tiwala siya kay Morente sa gitna ng isyu ng “pastillas scheme.”

-- Advertisement --