Itinalaga ni PNP chief Gen. Debold Sinas bilang bagong PNP spokesperson si Brig. Gen. Ronaldo Olay.
Bukod sa pagiging spokesperson, magsisilbi rin si Olay bilang bagong chief ng Public Information Office (PIO).
Papalitan ni Olay si Brig. Gen Brandi Usana na magreretiro na sa serbisyo matapos maabot ang mandatory age retirement.
Si Olay ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class 1990.
Nagsilbi rin siyang na PNP Deputy Director for Operations at NCRPO Deputy Regional Director for Administration (DRDA).
Nanungkulan din syang director ng PNP Health Service at Deputy Director for Comptrollership.
Si Olay ay may sapat umanong na intelligence at comptrollership training sa PNP; Maritime Law Enforcement sa Malaysia; Supervisory Criminal Investigation Course sa Thailand; at commercial crimes investigation sa Singapore at US Embassy sa Manila.
Sa kabilang dako, si Olay at AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo ay mag-mistah na parehong miyembro ng PMA Class 1990.
Binati naman ni Arevalo ang kaniyang mistah sa pagkakatalaga nito bilang bagong tagapagsalita ng Philippine National Police.
“Yes, he confirmed his designation to me when I asked him. I personally know him. Very diligent and professional yang Mistah ko na yan at magaling ! An asset to the PNP.
He was a cadet Captain when we graduated from PMA in 1990. I wish him all the best in this both demanding and challenging job in public affairs,” mensahe pa ni Arevalo sa Bombo Radyo.