Beyonce
Beyonce/ Ig post
-- Advertisements --

Nanawagan hustisya si Beyonce para sa napatay na black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na nakakadismaya at nasaktan sa pangyayari.

Kahit na mayroon ng nakasuhan sa nasabing pagkamatay ni Floyd ay hindi pa rin tuluyang nakakamit ng mga kaanak nito ang hustisya.

Magugunitang sumiklab ang kaguluhan matapos na masawi sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis si Floyd.

Dahil sa kabi-kabilaang kilos protesta sa US ay nanawagan ang ilang mga Hollywood celebrities, singers at mga atleta ang nananawagang hustisya kay Floyd.

-- Advertisement --