-- Advertisements --
Sinimulan na ni Beyonce ang kaniyang Cowboy Carter tour.
Sa unang sabak ng tour nitong Abril 28 sa SoFi Stadium sa Los Angeles ay naging sold-out ito.
Nagkaroon din ng espesyal ang nasabig tour dahil sa unang pagkakataon ay umakyat sa stage ang pitong taong gulang na anak nitong si Rumi.
Hindi lamang ito ang unang nakasama ng singer ang anak dahil noong 2023 ay ang isang anak nitong si Blue Ivy ay nakasama rin siya sa Renaissance tour.
Naulit pa ito sa NFL halftime show noong Christmas Day 2024.