-- Advertisements --

Naging matagumpay ang unang gabi ng London show ng singer na si Beyonce.

Sinabi nto na siya ay pinagpala para magtanghal sa halos sold-out show sa Tottenham Hotspur Stadium.

Binawasan na ng promoters ang presyo ng tickets dahil na rin sa hiling ng mga fans at para mapuno ang venue.

Hindi nabigo ang mga fans ng 43-anyos na superstar dahil sa umabot sa halos tatlong oras ang kaniyang show.

Inaasahan ng promoter na magiging sold out pitong natitirang show niya sa United Kingdom at sa Paris.