Beyonce
Beyonce/ IG post
-- Advertisements --

Sumulat ang singer na si Beyonce sa Kentucky attorney general para sa pagtanggal at pag-aresto sa mga kapulisan na bumaril sa emergency technician na si Breonna Taylor.

Sa sulat nito kay Attorney General Daniel Cameron, nais niyang panagutin at matanggal sa puwesto ang mga responsable na sina Louiseville Metro Police Department Sgt. Jonathan Mattingly at officers Myles Cosgrove at Brett Hankison.

Mula kasi ng mangyari ang insidente noong Marso ay wala pang naaaresto.

Una rito, pinasok noon ng mga kapulisan ang tinitirhan ng 26-anyos na si Taylor dahil umano sa iligal na droga subalit walang nakita ang mga otoridad.

Magugunitang isa rin ang singer sa nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkamatay ng black American na is George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

-- Advertisement --