-- Advertisements --

Muling nilinaw ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang quarantine period para sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Ayon sa kalihim kahit na fully vaccinated na sa ibang bansa ang mga uuwing OFW o balikbayan kailangan pa ring sumailalim sa pinaikling 7 days quarantine period.

Papayagang makapasok sa bansa kahit anuman ang brand ng bakuna ang naiturok sa mga OFW at kahit saan ang pinanggalingang bansa.

Lahat ng mga papasok sa bansa bakunado man o hindi kailangan pa ring sumailalim sa quarantine period.

Hinimok din ng kalihim ang publiko na magpabakuna dahil pinakamabisang proteksyon laban sa virus.

Samanatala, ayon pa sa kalihim tinatanggap ng ibang bansa ang mga nabakunahan ng OFW bilang isa sa mga requirements maliban lamang gaya ng Saudi Arabia na apat na brand lamang ng bakuna ang pinapayagan.

Sa ngayon, ayon kay Bello, inaasikaso pa ni vaccine czar Sec. Galvez ang procurement ng Johnson and Johnson para sa mga OFW para isang doses lang ang ibabakuna sa kanila upang hindi na sila mahirapan at mag-antay pa ng ilang buwan.