Nais munang makaharap ni Team Lakay Mixed Martial Arts fighter Kevin Belingon si Bibiano Fernandes bago ang rematch kay ONE featherweight king Martin Nguyen.

Sinabi nito na mahalaga muna ang nasabing laban kay ONE bantamweight champion Fernandes bago ang pag-akyat nito ng timbang.

Mayroon pa aniya itong “unfinished business” kay Bibiano.

Noong 2018 ng talunin ni Belingon si Fernandes para maging undisputed champion at na-disqualified ito sa iligal na sutok noong 2019 kaya nabawi ni Fernandes ang belt.

Taong 2019 ng talunin ni Belingon si Nguyen sa five-round unanimous decision victory.

Ipapaubaya niya ang nasabing desisyon sa ONE Championship kung nais nilang sila ay magharap.