-- Advertisements --
Pinigil ng mga otoridad sa Belgium ang cruise ship na may 3,000 katao matapos na maitala ang unang pagkamatay ng madapuan ng coronavirus disease.
Sinabi ni Governor Carl Decaluwe ng West Flanders, pinagbawalan nilang makalabas ang mga tao sa barko dahil mayroong dalawang pasahero ang naka-quarantine matapos makasalamuha ang nagpositibo sa coronavirus.
Susuriin munang mabuti ng mga doktor ang mga pasahero bago nila payagan ang mga ito na makalabas.
Nauna rito dumating sa Zeebrugge port ang Italian-flagged ship na Aidamar na mayroong 2,500 pasahero at 640 na crew.