-- Advertisements --
Hindi pa rin nagkukumpiyansa si Pinay tennis star Alex Eala sa pagpasok niya sa round of 16 ng Suzhou Open sa China.
Ito ay matapos na talunin sa first round si Polish player Katarzyna Kawa sa score na 6-3, 3-6, 7-5.
Bahagyang nahinto ang laro dahil sa pag-ulan sa unang set.
Sa ikalawang round ay nakuha ni Kawa ang panalo subalit nakabawi naman ang 20-anyos na si Eala sa ikatlong set.
Susunod na makakaharap nito si Greet Minnen ng Belgium ang World nubmer 106.
Naabot ni Minnen ang career high ranking na 59 noong 2023.
Gaganapin ang laban ng dalawa ngayong Oktubre 1 ng ala-1 ng hapon.