-- Advertisements --
Mahaharap sa malaking hamon sa unang round ng US Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Sa isinagawang draw ay makakaharap nito si Clara Tauson ng Belgium.
Si Tauson ay world ranked 15 kung saan sa edad na anim na taon ay nagsimula na itong maglaro ng tennis.
Ikinokonsidera rin siya bilang pinakamagaling na tennis player ng Denmark.
Mayroon ng 33 panalo at 17 talo sa 2025 ang 22-anyos na si Tauson.
Umabot ito sa third round ng US Open noong 2021, 2023 at 2024.
Habang ang 20-anyos na si Eala ay nasa ranked 70 kung saan mayroon itong 26 panalo at 18 na talo ngayong season.
Ito ang unang pagsabak ni Eala sa US Open at unang pagkakataon na magkaharap ang dalawa.