-- Advertisements --

Alex Eala, agad sasabak sa US Open ngayong Agosto
Loops: Alex Eala, US Open

Agad sasabak sa US Open si Pinay tennis star Alex Eala kasunod ng kaniyang Round-of-32 exit ngayong araw (Aug. 18) sa Cincinnati Open.

Maalalang hindi na umusad si Eala sa Round of 16 matapos siyang paluhurin ng US tennis star na si Amanda Anisimova sa isang matagumpay na comeback, 4-6, 6-4, 6-2.

Matapos lamang ang ilang araw, agad sasabak si Alex sa mas malaking turneyo – US Open, isang level-2000 na tennis tournament.

Magsisimula ito sa Agusto-23 at magtutuloy hanggang September 13, 2026.

Dito ay may pagkakataon ang Pinay star na makakuha ng Grand Slam championship at karagdagang 2,000 ranking points.

Sa kasalukuyan, nasa ika-20 puwesto si Eala kasunod ng kaniyang matagumpay na DC Open championship. Ngunit sa WTA Live Ranking, nasa ika-17 puwesto na ang Pinay champion.