-- Advertisements --

Sa kabila ng mabilis na pag-angat ni Alex Eala sa world tennis, naniniwala ang kaniyang coach na si Joan Bosch na marami pa siyang puwedeng pagbutihin sa kaniyang laro.

Sa isang panayam, sinabi ng Spanish coach na halos lahat ng aspeto ng laro ni Eala ay maaari pang ma-develop, kabilang ang serve, return, forehand, backhand, volley, footwork, endurance at speed.

Ayon kay Bosch, mahalaga ang proseso ng patuloy na pagkatuto at pag-unlad ng Filipina tennis star sensation, na aniya ay mahusay na naipapakita ni Eala.

Binigyang-diin din niya na mabilis na naia-apply ng Filipina tennis star ang mga bagong natututunan niya sa training at malinaw naman daw ang kaniyang layunin para sa development nito.

Ibinahagi rin ni Bosch ang kahalagahan ng tiwala sa pagitan nila ni Eala bilang coach at player.

Samantala, nakatakdang bumalik si Eala sa US Open, kung saan sasabak siya sa women’s singles at mixed doubles kasama si Felix Auger-Aliassime. Kasali rin siya sa Stars of the Open exhibition event.