-- Advertisements --

Tinalo ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 114-96 para makuha ang panalo ng best-of-three quarterfinal series ng PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.

Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na mayroong 19 points at 16 rebounds.

Habang mayroong 25 points si CJ Perez at 23 points naman ang kanilang import na si Devon Scott.

Hindi naman nakadalo sa laro si Beermen coach Leo Austria kaya ang humalili sa kaniya ang assistant nito na si Jorge Gallent.

-- Advertisement --

Nasayang naman ang nagawang 41 points ng Converge import na si Quincy Miller.

Target ng Beermen na makausad sa last four na makakaharap ang top team na Bay Area Dragon o ang number 8 na Rain or Shine Elasto Painters.