-- Advertisements --
Nakuha ng San Miguel Beermen ang kanilang unang panalo matapos talunin ang NLEX 110-93.
Bumida sa panalo si CJ Perez na nagtala ng 21 points habang mayroong 17 points si Alex Cabagnot at 16 points at nine rebounds naman ang naitala ni Mo Tatuaa.
Mula sa simula ng laro ay umarangkada na ang Beermen kung saan pumalo pa sa 24 points ang kalamangan nila laban sa NLEX.
Ikinatuwa naman ni Beermen coach Leo Austria dahil sa nakabawi sila sa unang pagkatalo nila laban sa Meralco Bolts noong nakaraang Sabado.
Sa ngayon ay mayroong isang panalo at isang talo habang ang NLEX Road Warriors ay mayroong isang panalo at dalawang talo.