-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni PBA player Sol Mercado na ito ay engaged na kay dating Miss Universe Philippine candidate Sandra Lemonon.
Sa kani-kanilang social media account ay nagpost sila ng larawan na suot ni Lemonon ang engagement ring nito.
Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa na pinangunahan ng mga beauty queens gaya nina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Bb. Pilipinas 2017 Rachel Peters, Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.
Magugunitang noong Setyembre 29, 2021 ng kinumpirma ng dating beauty queen ang kanilang relasyon.