Inamin ni Dr. Ursicio Cenas na may nangyayaring bayaran sa New Bilibid Prisons (NBP) para manatili doon ang ilang bilanggo.

Sa paggisa ni Sen. Bong Go, sinabi ng medical officer na totoong may isyu ng bayaran sa pagamutan, ngunit hindi lang nila mabatid ang buong detalye nito.

Ayon kay Cenas, naririnig lamang niya ito mula sa ibang tauhan sa NBP hospital at sinasabing dati na itong kalakaran.

Pero iginiit ng doktor na hindi siya sangkot sa mga ganitong aktibidad.

Maging ang isa pang manggagamot na si Dr. Ernesto Tamayo ay wala ring maibigay na impormasyon hinggil sa isyu ng bayaran o suhulan.