Iaakyat na sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reconciled version ng Bayanihan to Recover as One ACT (Bayanihan 2).
Ito ay matapos na ratipikahan ng Kamara ang pinal na bersyon ng panukala makalipas ang ilang araw nang aprubahan ito ng Bicameral Conference Committee noong Agosto 20, 2020 at ratipikahan naman ng Senado sa araw na iyon din mismo.
Ang Bayanihan 2 ay mayroong P140 Billion na available funds at karagdagang P25.5 Billion na standby fund.
Layon ng panukalang ito na pondohan ang cash-for-work programs para sa mga displaced workers; ayuda para sa transportation, agriculture, at education sectors; pondohan ang hiring ng maraming health workers; at makapagbigay ng emergency subsidies sa mga low-income households sa mga lugar na nasa ilalim ng hard lockdown at sa mga pamilya ng mga OFWs na umuwi kamakailan sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kabuuang P165 billion na pondo, P10 billion ang inilalaan para sa pagbili ng bakuna para sa COVID-19, at para sa pagsasagawa ng mas maraming tests sa naturang virus.
Nasa P50 billion naman ang allotment para sa government lending o financial institutions.
Kapag maging ganap na batas, sa suspendido rin sa loob ng tatlong taon ang permits na kinakailangan para sa pagtayo ng cell sites ng mga telecommunication companies.