Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang taasan ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Nakapaloob sa Salary Standardization Law of 2019 ang pagtaas ng basic salary Grade 1 ng government employee sa P13,000 mula sa dating P11,068.

Ibibigay ang salary increase sa apat na tranches mula 2020 hanggang 2023.

Magsisimula ang unang bugso ng dagdag pasahod ngayong buwan ng Enero.

Nasa 1.4 million civil servants kabilang ang mga guro at nurses ang inaasahang makikinabang sa nasabing bagong batas.

-- Advertisement --

Ipinagmalaki ng administrasyon na ang bagong compensation scheme ay competitive sa sinasahod ng mga nasa pribadong sektor para makaengganyo at mapanatili ang mga talentadong human resources.