Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapataw ng dagdag buwis sa alak at e-cigarettes.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa ilalim ng ng bagong batas, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigerettes naman ay tataas ng P25 hanggang P45.

Magiging epektibo ang dagdag buwis ngayong taon.

Gagamitin ang malilikom na buwis bilang pondo sa Universal Health Care Law.

Tinatayang mahigit sa P20 billion ang makukuhang buwis ng pamahalaan sa dagdag na sin tax sa alak at e-cigarettes.