Nahaharap sa kasong murder ang suspek sa sa nangyaring strafing incident na ikinamatay ng 11 taong gulang na batang babae sa Sitio-Catmon Barangay Calansanan I, Badiangan, Iloilo.
Ang biktima ay si Mary Jane Yocogco Jano, Alyas Poypoy.
Habang ang suspek naman ay si April John Valle, 33, tiyuhin ng biktima.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. Ma. Doren Losaria, hepe ng Badiangan Municipal Police Station, sinabi nito na pinaulanan ng bala ng suspek ang bahay ng biktima sa pag-aakalang naroon ang kanyang nakaaway na si Richard Yocogco na tiyuhin rin ng biktima.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nanindigan naman ang pamilya ng biktima na hindi nila iuurong ang kaso laban sa suspek na sa ngayon ay nakakulong sa Badiangan Municipal Police Station.
















