May kaniya-kaniyang prediksyon na ang mga basketball fans kung sino ang magwawagi ng Most Valuable Player ng NBA.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng NBA ang listahan ng manlalaro na posibleng tanghaling bilang MVP.
Kinabibilangan ito nina LeBron James, James Harden at Giannis Antetokounmpo.
Si Antetokounmpo na siyang nagwagi ng MVP award noong nakaraang season ay mayroong average score na 29.7 kabilang ang 13.7 rebounds sa Milwaukee Bucks.
Habang ng 2017-2018 MVP na si Harden ay mayroong 34.3 points kada laro para sa Houston Rockets.
Ang 4-time MVP na si LeBron ay mayroong average na 25.3 points, 8 rebounds at 10.3 assists para sa Los Angeles Lakers.
Dinaan naman sa social media ng mga basketball fans ang kanilang hula kung sino ang magwawagi ng nasabing award kung saan marami sa kanila ang kumampi sa Lakers star.