Pinaluhod ni Filipino mixed martial artist Lito Adiwang ang grapler na si Eko Roni Saputra sa loob lamang ng 34 seconds.
Hindi pinatagal ng Pinoy star ang kaniyang laban at sa simula pa lamang ay sunod-sunod na siyang nagpakawala ng ilang combination para tapusin ang laban sa maikling panahon.
Sa loob lamang ng ilang segundo ay bumagsak si Saputra at agad itong sinundan ni Adiwang ng panibagong combination shots, kasama ang dominanteng ground-and-pound.
Hindi nakaganti ang Indonesian wrestling champion hanggang sa kinailangan nang itigil ang laban na tumagal lamang ng mahigit tatlumpung segundo.
Bago ang laban ay kinailangan pa ni Adiwang na umangat sa 140-pound catchweight ngunit hindi nito inalintana ang weight adjustment para sa mas mataas na division.
Sa kabila ng panalo ng Pinoy champion, hindi naman maaapektuhan ang bantamweight division rankings sa One Championship dahil plano niyang bumalik pa rin sa flyweight division.
Gayunpaman, posibleng magiging basehan ito para sa mga susunod na laban ni Adiwang sa ilalim ng flyweight category. Maaaring iharap sa Pinoy MMA fighter ang mga kabilang sa top-5 flyweight division.
















