Posibleng humarap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado kasabay ng nakatakdang pag-convene nito bilang impeachment court mamayang alas-3:00 ng hapon, Mayo 18.
Ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Israelito Torreon, desisyon pa rin ito ng senador.
Iginiit ni Atty. Torreon na nangangailangan muna ng pagpapatibay mula sa lokal na korte ang International Criminal Court (ICC) warrant bago ito maging epektibo sa bansa.
Maaaring dumalo si dela Rosa dahil wala pa namang arrest warrant na inilalabas ang lokal na korte sa Pilipinas.
Sinabi ni Atty. Torreon na may prejudice ang seguridad ng senador, lalo na’t muntikan na itong maaresto at nadapa pa nang habulin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa ICC warrant.
Sa ngayon, nakabinbin pa rin ang usapin sa Korte Suprema hinggil sa pagpapatupad ng nasabing warrant laban sa senador.















