-- Advertisements --

Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Kim Robert de Leon bilang bagong Kalihim ng DBM.

Si de Leon ang pinakabatang naging kalihim ng ahensiya at sa Gabinete ng Marcos administration.

Pinalitan niya si Rolando Toledo, na pansamantalang namuno sa ahensya matapos magbitiw si dating DBM Secretary Amenah Pangandaman sa gitna noon ng kontroberisya sa umano’y budget insertions kaugnay sa infrastructure projects.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ngayong Lunes, Mayo 18 ang pagkakatalaga kay de Leon.

Nakatakda namang manumpa sa pwesto si de Leon bukas, Mayo 19.

Si Secretary de Leon ay kilala sa kanyang kadalubhasaan sa fiscal management, organizational reform, at digital transformation.