-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagkasawi ng Memphis Grizzles player na si Brandon Clarke.

Base sa inisyal ng mga otoridad, nakita ang 29-anyos na wala ng buhay sa kaniyang bahay.

Nakakita umano ang mga otoridad ng ilang mga drug paraphernalia.

Hinihintay din ng mga otoridad ang resulta ng autopsy para malaman ang pinakasanhi ng kamatayan ng Grizzles player.

Noong nakaraang buwan ay inaresto ito ng mga otoridad dahil sa mabilis na pagmamaneho ng kaniyang sasakyan at nakuhanan din ng controlled substance sa Arkansas.

Taong 2019 ng sumali siya sa NBA at naging 21 overall pick ng Oklahoma City Thunder matapos doon ay agad itong na-trade sa Memphis.

Naglaro ito ng pitong season sa NBA na mayroong average na 10.2 points , 5.5 rebounds at 1.3 assists.