Isa raw sa mga namatay sa shooting incident sa Ateneo de Manila University Quezon City campus ang alkalde ng Lamitan sa Basilan na si Rose Furigay.
Base sa inisyal na report, sinabi ni Barangay Loyola Heights captain Don Hayes, hindi pa raw idinidisclose kung sino sa 13 local chief executives ang namatay sa shooting sa Ateneo.
Dagdag ng kapitan na dalawang iba pang Ateneo guard ang inilarawan nitong nasa “50-50” ang kondisyon ay isang bystander malapit sa barangay hall ang sugatan.
Agad naman silang dinala sa East Avenue Medical Center.
Sa ngayon, hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek.
Dahil sa shooting incident sa Areté, ipinagpaliban muna ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School na naka-schedule ngayong hapon.
Samantala, nasa sasakyan naman daw si Chief Justice Alexander G. Gesmundo na siya sanang guest speaker sa Ateneo Law School Graduation ceremony,
Dahil dito ay inabisuhan daw ang chief justice na huwag na itong tumuloy.
Ayon naman kay SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, ligtas naman daw si ang punong mahistrado.