PBA
PBA FB PHOTO

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots para makuha ang kampeonato ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang San Miguel Beermen 88-86.

Naging bida sa panalo si Mark Barroca matapos maipasok ang tira sa natitirang anim na segundo ng laro ng magtabla sa 86 all at para makuha ang 3-2 lead.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victoro na hanga ito kay Barroca dahil hindi siya takot na magbuslo ng bola.

Nagtala ng 22 points si Barroca habang mayroong 18 points, 14 rebounds si Ian Sangalang at 12 points naman si Paul Lee.

Nagkaroon pa ng bahagyang pagkaantala ng laro matapos ang pagpasok sa court ng isang lalaking naka-custome ng spiderman at tinamaan si June Mar Fajardo.