-- Advertisements --

ILOILO CITY- Ni-lockdown ang Barangay Sto. Niño Sur, Arevalo, Iloilo City, kasunod ng pagpositibo sa Coronavirus disease (Covid-19) ang anim na mga frontliners sa lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na isinailalim sa 72 hour lockdown ang nasabing barangay kung saan suspendido ang paggamit ng quarantine pass at hindi maaring lumabas ang mga residente dahil naka- strict home quarantine.

Ayon kay Treñas, magbibigay naman ang lokal na pamahalaan ng pagkain para sa lahat ng residenteng apektado ng lockdown.

Ani Treñas, magpapatuloy ang contact tracing, mandatory testing at mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa nasabing barangay.

Napag-alaman na isang brgy kagawad, isang nurse, at apat na barangay health workers ang nagpositibo sa Covid-19 sa lugar.