Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Alitan sa pamilya ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa isang opisyal ng Barangay sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Mosaid Kandatu,Barangay Kapitan ng Barangay Pimbalayan Lambayong Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Major Ronnie Daldo ang tagapagsalita ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na habang nakatayo lamang ang biktima sa loob ng Brgy Covered Court sa Brgy Pimbalayan Lambayong Sultan Kudarat ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Tinamaan sa tiyan ang biktima at agad namang gumanti ng putok ang mga Barangay Tanod ni Kapitan Kandatu kaya mabilis na tumakas ang mgasuspek lulan sa isang motorsiklo.

Ang sugatang brgy chairman ay agad dinala ng kanyang pamilya sa isang pagamutan sa Tacurong City at nasa ligtas ng kalagayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa pamamaril sa biktima.