Naitala ngayon ang kauna-unahang namatay na abogado dito sa bansa dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang naturang abogado na bar topnotcher at isang huwes na suspected Person Under Investigation (PUI) ng COVID-19 ay namatay noon pang Sabado ng gabi.

Ayon sa Supreme Court (SC) ang biktima ay kinilalang si Calamba Regional Trial Court (RTC) Judge Virgilio “Dave” Gesmundo.

Si Gesmundo ay first placer sa 1977 bar examinations na may gradong 91.8 percent average at nagtapos sa Ateneo De Manila University College of Law.

Bago pumasok sa Hudikatura naging Dean si Gesmundo sa Arellano Law School.

Ang huwes ay tubong San Pablo, Laguna at distant relative ni retired SC Justice Arturo Brion at incumbent SC Justice Alexander Gesmundo.

Ang biktima ay dinala sa isang pagamutan sa Parañaque noong March 15 at inilipat sa Adventist hospital noong Sabado.

Agad naman daw isinailalim sa cremation ang bangkay ng biktima noong Linggo.