-- Advertisements --

Suportado ng Department of Justice (DoJ) ang gustong mangyari ng Malacañang na malawakang sibakan sa Bureau of Corrections (BuCor) dahil pa rin sa isyu ng katiwalian.

Sa isang panayam, sinabi ni DoJ Usec. Deo Marco na kailangan ang balasahan sa BuCor para magkaroon ng reporma sa sistema sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Naniniwala rin itong ang isyu sa congestion ang isa sa mga dapat tutukan at masolusyunan para ma-monitor nang maayos ang mga bilanggo sa loob ng piitan.

Sa pamamagitan din ng pag-decongest sa piitan ay madali raw matutukan ang mga iligal na gawain ng mga bilanggo lalo na ang mga high profile inmates.

Una rito, tiniyak ng Malacañang na mayroon pang ulo na gugulong sa mga opisyal ng BuCor na mapapatunayang sangkot sa anomalya sa good conduct time allowance (GCTA) at iba pang iligal na transaksiyon sa loob ng pambansang piitan.