-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Bumuo ng Crisis Management Team ang Bangsamoro Government laban sa Coronavirus Disease (Covid 19).

Itoy pinangunahan mismo ni Minister Romeo Sema ng Ministry of Labor and Employment (MOLE-BARMM).

Itoy may kaugnayan sa pagdedeklara ng state of public health emergency alinsunod sa Department order no. 209 series of 2020 ng Department of Labor and Employment.

Ayon kay Sema ang binuong Crisis Management Team ay nakapangisiwa at tagamatyag para agad matugunan ang problema ng Covid 19.

Pinoproseso na rin sa tanggapan ni BARMM Chief Minister Ajod “Murad”Ebrahim ang cash assistance na matatanggap ng mga apektadong manggagawa sa Bangsamoro Region.

Itoy kinabibilangan ng mga private sector, non-former sector katulad na lamang ng mga tricycle driver, mga nagtatrabaho sa karenderia at sa maliliit na establisyemento sa buong rehiyon.

Umaabot na 13,120 na ang apektadong mga manggagawa sa BARMM na nawalan ng trabaho dahil sa banta ng Covid 19.