-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na matatag ang mga banking industry sa Pilipinas sa gitna nang malalaking hamon ng mundo.

Ginawa ni Governor Felipe Medalla ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga pahayag bilang isa sa keynote speaker sa ginaganap na virtual conference ng Chamber of Thrift Banks (CTB).

Binigyang-diin ni Medalla ang ikalawang pillar ng Central Banking na Financial Stability bilang isa ito sa pundasyon ng institusyon.

Nagagalak pa si Medalla na nagkakaroon ang ahensya ng pagkakataon na ibahagi ang mga pamantayan gayundin ang kanilang pananaw ukol sa ekonomiya ng bansa.

Kaya naman nakabantay daw anga BSP upang rendahan na mapigilan ang tuluyang pagkalugi ng piso laban sa dolyar.

Tulad na lamang ng pagtataas ng interest rates, depende na rin daw ito sa hinihingi ng pagkakataon.

Kumpiyansa din ito na babalik sa mas mababang inflation rate ang bansa o presyo ng mga bilihin, pero hindi naman nitong tinukoy kung hanggang kailan.

Samantala, tinalakay din ni Governor Medalla ang isyu sa digitalization upang makaagapay sa panahon ang mga pagbabangko sa Pilipinas.

Gayundin ang sustainable finance road map ng pananalapi, na idinesenyo upang mapadali ang daloy ng mga pondo patungo sa mga aktibidad na pang-ekonomiya na makatutulong sa ating lipunan, gayundin ang mga proyekto sa pagpapagaan at adaptasyon sa pagbabago ng klima.

“It is my pleasure to join you virtually and shared the BSP’s view on the economy, the state of the banking industry, and what the bangko sentral is doing to respond to the challenges of the times… Given the theme of this event, the discussion will focus more on our 2nd pillar [financial stability] which defines a roles a supervisor of financial institution. Now, the 3 pillars are constant,” ani Gov. Medalla.

Samantala, ang Chamber of Thrift Banks, ay binubuo ng mga Chamber of Savings and Development Banks, mga private development banks at mga savings and loan associations sa buong bansa.

Kabilang naman sa founding members ng Chamber of Thrift Banks ay ang Queen City Development Bank. (With reports from Bombo JC Galvez)