-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas si Eli Remolona.
Si Romolona ay dating miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil na may malaking maitutulong ni Remolona sa BSP dahil sa malawak ang karanasan nito sa banking, financial markets, international finance at economic policy.
Papalitan ni Remolona si BSP Governor Felipe Medalla sa darating na Hulyo 2.
Bago kasi naging bahagi ng BSP si Remolona ay nagsilbi itong sa Federal Reserve Bank of New York at Bank for International Settlements (BIS) kung saan siya ng Regional Head for Asia and the Pacific.