-- Advertisements --

Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang Senado at Kamara na ipasa na ang panukalang minimum wage hike—kung saan binigyang-diin ng senadora na hindi dapat ito pabayaan ngayong patapos na ang 19th Congress. 

Giit ni Hontiveros, dalawang sesyon na lamang ang natitira sa kasalukuyang Kongreso at dapat na aniyang talakayin ang panukala na magbibigay ng umento sa sahod ng minimum wage workers sa pribadong sektor.

Daagdag ng senadora, dapat na aniyang magpatawag ng bicameral conference committee upang pag-isahin ang magkaibang probisyon ng bersyon ng panukalang batas sa minimum wage mula sa Kamara at Senado.

Gayundin, nanawagan ang mambabatas sa kanyang mga kapwa senador, lalo na kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, na agad na aksyunan ang usaping ito.

Binigyang-diin ng senadora na sa gitna ng isyu sa impeachment, dapat bigyan ng pantay na kahalagahan ang isyung ito, dahil maraming manggagawa na kumikita ng minimum ang umaasa rito.