-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng House of Representatives ang pagtanggap nila ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na ibinalik ng Senado.

Sa ginawang plenary session ay ipinagtibay ng House ang mosyon na ipinasa ni House Deputy Majority Leader Faustino “Inno” Dy V ng Isabela kung saan dapat ay hintayin muna ang sagot sa clarificatory questions mula sa House prosecution panel.

Tinatawag kasi nila na hindi malinaw kung bakit ibinalik sa kanila ang impeachment complaints.

Dahil dito ay kinakailangan nilang magsumite ng dalawang dokumento gaya ng sertipikasyon na ang House ay nag-complied sa constitutional requirements sa pagsusulong ng verified complaints laban kay Duterte.

Kailangan din na magsumite sila ng resolution mula sa House ng 20th Congress na nagtitiyak na kanilang ipupursige ang prosecution ng nasabing reklamo.

Nilinaw naman ni Batangas Rep. Gerville Luistro na ang hakbang ay hindi pambabastos sa proseso.