Mariing kinondena ng House of Representatives ang umano’y pagtanggi ng Senado na talakayin ang P200 legislated wage hike.
Tahasang tinawag na intensiyon ang ginawa ng Senado na patayin ang nasabing panukala dahil hindi ito tinalakay kagabi sa huling sesyon kagabi.
Sa isang pahayag sinabi ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na nakahanda ang House bicameral conferees para makipagpulong at i-reconcile ang magkaibang bersiyon ng panukala subalit walang tugon dito ang Senado.
Ayon kay Abante nagpahayag ng pagka dismaya ang house bicam conferees dahil nakanda silang idepensa ang P200 legislated wage hike at kanilang nalaman na walang intensiyon ang senado na makipag pulong.
Tanong ni Abante bakit binabarya ng Senado ang mga manggagawa.
Aniya nais kasi ng Senado na sundin ng Kamara ang P100 legislated wage hike na bersiyon na kanilang inaprubahan.
Nilinaw ni Abante na ang P200 legislated wage hike ng Kamara ay mariing pinag-aralan at hindi ito maituturing na reckless proposal.
Giit nito na karapatan ng publiko malaman bakit ayaw tugunan ng Senado ang panukalang legislated wage hike na bersiyon ng Kamara.
Aniya, hindi pa ito ang katapusan dahil hindi deserve ng mga manggagawa ang barya na umento sa sahod.