Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magkakaroon lamang ng saysay ang kalayaan kung ang mga Pilipino ay hindi na nagugutom at hindi napag-iiwanan, natutugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa kasaysayan ng paglaya mula sa dayuhan, kundi sa araw-araw na laban para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Balewala aniya ang pagwagayway ng watawat kung walang pagkain sa hapag, maayos na transportasyon, gamot sa may sakit, at dignidad ang bawat manggagawa.
Dahil dito, hinamon ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng pananagutan sa mga hinaing ng Pilipino, at huwag maging abusado at magpapogi lamang.
Hindi aniya dapat sayangin ng mga opisyal ang tiwala ng publiko lalo sa mga gitna ng mga hamong kinahaharap ng bansa.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo na pananagutin niya ang mga abusadong opisyal at ang mga nagkukulang sa trabaho.