Inamin ng gobyerno na hindi maaaring maiuwi pabalik ng bansa ang bangkay ng isang Pinoy na namatay sa Italy.

Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa Laging Handa briefing, may mga patakaran din kasing ipinapatupad ang Italian government sa harap ng dinadanas nitong krisis sa COVID-19.

Ayon kay Usec. Dulay, isa na rito ang implementasyon ng lockdown na kung saan ay wala talagang galawang nagaganap kaya’t malabong maiuwi ang bangkay ng isang kababayang na namatay doon.

Dagdag pa ni Usec. Dulay na isa pang polisiyang ipinatutupad ngayon sa Italy ay ang mabilisang paglilibing o cremation sa mga namatay dahil sa infectious disease.

Wala umano tayong magagawa kundi ang sumunod sa ipinatutupad na panuntunan ngayon doon at sakop ng polisiyang ipinatutupad ang mga kababayan nating naninirahan sa Italya.