Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng 35-anyos na overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara matapos na ito ay dumating sa bansa nitong Biyernes ng gabi mula sa Kuwait.
Ayon kay Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople na mismo ang pamilya ni Ranara ang humiling na ipa-otopsiya ang bangkay sa National Bureau of Investigation (NBI).
Nagsagawa na kasi ang gobyerno Kuwait ng inisyal na autopsy sa bangkay ng nasawing OFW habang ang suspek na 17-anyos ay hawak na ng mga otoridad doon.
Magugunitang nabuntis umano ng anak ng amo ng biktima at doon ay sinasabing sinagasaan at sinunog pa ang biktima.
Tiniyak naman ni Kuwait’s ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althwaikh na makakamit ng kaanak ng biktima ang hustisya.
Inilagay na rin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa blacklist ang employer ni Ranara na Catalyst International Manpower Services Corporation.